Tuesday, March 20, 2012

Ever Gotesco Mall Natupok ng Apoy



Caloocan City-  Matandang Gusali  ng  Ever Gotesco  ay natupok ng apoy noong Biyernes ng gabi, ika-16 ng Marso. Sa ikaapat na araw mula ng masunog ang nasabing gusali ay  mahigpit na pinagbawal  ang mga  Tenant  na pumasok  sa loob ng Grand Central Mall.

Alerto pa rin ang mga bombero sa loob at labas ng gusali. Ayon sa mga residente  na  aking nakapanayam, ang sunog ay  nagsimula umano sa isang boutique ng sapatos. Iba’t- ibang opinyon at ispekulasyon ang aking nakalap mula ng masunog ang nasabing Mall.


http://mypointsofview-miech1982.blogspot.com/2012/03/live-scene-at-ever-gotesco-mall.html

Marami ang nakapagsasabi na  sinadya umano ang sunog dahil sa naba-bankrupt  na ito. Ang iba nama’y, sadyang luma na ang gusali at madali na lamang itong matupok ng apoy.

Maraming residente ang naaalarma na katabi ng Grand Central Mall.  Dahil sa marupok at luma na, madali na lamang itong gumuho dahil sa bitak-bitak na pader na mapapansin sa labas ng mall at sa init na sanhi ng sunog kamakailan.

Dineklara ni  Bureau of Fire Protection Chief Superintendent Santiago Laguna na  “Fire Out”  sa loob ng Grand Central Mall.  Kasalukuyan pa rin iniimbestigahan  ang sanhi ng pagkasunog  nito.