Caloocan City- Matandang Gusali ng Ever
Gotesco ay natupok ng apoy noong
Biyernes ng gabi, ika-16 ng Marso. Sa ikaapat na araw mula ng masunog ang
nasabing gusali ay mahigpit na
pinagbawal ang mga Tenant
na pumasok sa loob ng Grand
Central Mall.
Alerto pa rin ang mga bombero sa
loob at labas ng gusali. Ayon sa mga residente na aking
nakapanayam, ang sunog ay nagsimula umano
sa isang boutique ng sapatos. Iba’t- ibang opinyon at ispekulasyon ang aking
nakalap mula ng masunog ang nasabing Mall.
http://mypointsofview-miech1982.blogspot.com/2012/03/live-scene-at-ever-gotesco-mall.html
http://mypointsofview-miech1982.blogspot.com/2012/03/live-scene-at-ever-gotesco-mall.html
Marami ang nakapagsasabi na sinadya umano ang sunog dahil sa
naba-bankrupt na ito. Ang iba nama’y, sadyang
luma na ang gusali at madali na lamang itong matupok ng apoy.
Maraming residente ang naaalarma
na katabi ng Grand Central Mall. Dahil
sa marupok at luma na, madali na lamang itong gumuho dahil sa bitak-bitak na
pader na mapapansin sa labas ng mall at sa init na sanhi ng sunog kamakailan.
Dineklara ni Bureau of Fire Protection Chief Superintendent
Santiago Laguna na “Fire Out” sa loob ng Grand Central Mall. Kasalukuyan pa rin iniimbestigahan ang sanhi ng pagkasunog nito.
No comments:
Post a Comment